header

K to 12 students take over PGB!

August 31, 2019
Ayon sa Republic Act No. 7160 ng Local Government Code of 1991, naging mandato na sa mga Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang Lokal at Pamahalaang Barangay sa bansa na maglunsad ng mga aktibidad na may kaugnayan sa Sangguniang Kabataan bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.

Mga estudyante mula sa Pampublikong paaralan at mula sa Pribadong Paaralan ang gumanap sa tungkulin sa ilalim ng apprenticeship program na pinamahalaan ng mga Division Schools bilang bahagi ng isinasagawang taunang Boys and Girls Week na nagsimula noong ika-5 at magtatapos sa ika-9 ng Agosto 2019.

Ilan sa mga aktibidades ang paghahalal ng mga counterparts ng lahat ng mga opisyal na Sangguniang Panlalawigan sa mga kinatawan ng paaralang panglungsod, pangbayan at pangbarangay.

Sa lingguhang pagtataas ng watawat na isinasagawa ng Sangguniang Panlalawigan, 64 na mga kabataan, na may edad na 13 hanggang 17 ang ipinakilala sa pamamagitan ng PYSPESO at sabayang pinanumpa ng ating butihing Gobernador Daniel R. Fernando.

Matapos ang seremonya, sinundan ito ng paghahatid sa Boy/Girl counterparts sa kani-kaniyang tanggapang kinabibilangan at ipinaliwanag ng mga Hepe ng Tanggpapan sa bawat kabataang opisyal ang kanilang mga gampanin at tungkuling ginagampanan sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ang espesyal na oportunidad na ito ay ipinararanas sa mga kabataan upang mapalawig ang kanilang kaalaman sa larangan ng paglilingkod bayan. Dahil marapat lamang na maging mulat sila sa mga gawaing pampamahalaan at paglilingkod sa taong bayan sa kanilang murang edad, bilang paghahanda sakali't sila naman ang mabigyan ng pagkakataong mamuno sa pamahalaan.