header

Philippine Councilors League (PCL) Bulacan election of officers

August 31, 2019
Ganap nang nahalal noong ika-2 ng Agosto 2019 si Konsehal William R. Villarica bilang bagong pangulo ng Bulacan PCL. Hindi naman pinalad ang kaniyang katunggali na dating nanuparang Bokal ng Unang Distrito ng Bulacan na si Konsehal Enrique V. Dela Cruz, Jr. na mula sa bayan ng Baliuag at itinuturing na panlaban ng NUP ng Bulacan.

Si Konsehal William R. Villarica mula sa Lungsod ng Meycauayan ay miyembro ng Partido PDP Laban at matatandaang pang-6 sa nanalong Konsehal ng nasabing bayan sa kanyang unang termino ng panunungkulan.

Mula sa 21 bayan at 3 Lungsod sa Bulacan, sa pagtatalaga ng pamunuan ng PCL, nakakuha si Konsehal Villarica ng 199 na boto laban sa 46 na boto ni Konsehal Dela Cruz mula sa 245 na mga dumalong Konsehal ng Bulacan sa kabuuang bilang na 250.

Matapos ang sabayang panunumpa ng mga opisyal ng PCL National na inilunsad ng DILG, nanumpa rin si Igg. William R. Villarica kaagapay ang lahat ng naitalagang opisyal ng PCL-Bulacan sa harap ng lahat ng natitipong kasangguni sa karaniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-8 ng Agosto 2019 na pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Lalawigan, Igg. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.

List of PCL Bulacan Officers:

Pangulo: William R. Villarica (Marilao)
Pangalawang Pangulo: Raulito C. Manlapaz, Jr. (Hagonoy)
Kalihim: Reymalyn Castro (Santa Maria)
Ingat-Yaman: Arnaldo Mendoza (Paombong)
Tagasuri: Albert Estrella (Guiguinto)
PRO: Gino Carlo Torres (Calumpit)
Business Manager: Niño Carlo Bautista (City of Malolos)
Board of Directors:
Alvin Violago (San Rafael)
Catherine Abacan (Meycauayan)
Jerome Reyes (Bocaue)
Glenn Villano (CSJDM)
Cris Castro (Pandi)
Arvin Cruz (Angat)
Jayvie Manalo (DRT)
Leonardo Valeda (Obando)