header

Ika-121 anibersaryo ng ating First Philippine Republic

January 24, 2020

Pinangunahan ni Senador Ronald "BATO" dela Rosa ang selebrasyon ng ating paggunita sa Unang Republika ng Pilipinas na ginanap sa harap ng makasaysayang simbahan ng Barasoain nitong Enero 23, 2020.

Matatandaang noong taong 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11014, ang batas na nagdedeklara na National Holiday ang araw na ito.

Sa mensahe ni Sen. Dela Rosa, aniya, ito ay gampanin ng bawat Pilipino. "Isang kontribusyon sa tuluy-tuloy na laban ng demokrasya at kapayapaan sa kapakinabangan ng ating minamahal na bayan."

Sa nasabing selebrasyon, sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando, sabayang-nagbigay parangal ang mga opisyal ng Bulacan sa nasabing okasyon na nangyari daang taon na ang nakakaraan.

Sa pagbating pananalita ng Gobernador, sinabi niya na ang "legasiya ay nanatili sa kasalukuyang henerasyon at ang hamon sa mga Pilipinong maging karapat-dapat sa lahat ng magagandang bagay na ating natatamasa ngayon."


- RMagat