header

Paalam at Salamat!

March 31, 2020

MA. BELLA JAVIER DELA CRUZ
(January 04, 1964 - March 09, 2020)

Isa pa ring kasamahan, kaibigan, at kapamilya ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan maging ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang namaalam.

Mabait, matalino, maaasahan, masipag at kung ituring nga ay "walking directory" ng aming opisina dahil kabisado niya lahat ng contacts and basic information about the other departments. Kaagapay din sa pag-contact sa mga imbitado kapag my pagdinig at sesyon. At matulungin din sa lahat na nangangailangan kapag kinakailangan. Masayahin kahit nanatiling 'single' kasama lamang ang kaniyang butihing ina.

Dahilan sa nag-iisang anak lamang ay napilitang mag-leave sa trabaho nang ma-stroke ang kaniyang ina. Nagsilbing ulirang anak na nag-alaga at umaruga dito subali't hindi rin kinaya ng katawan at kalauna'y kinapitan na rin ng karamdaman na naging dahilan ng kaniyang tuluyang pagliban sa trabaho na humantong din sa kaniyang pagpanaw.

Nagsimulang mamasukan sa Pamahalaang Panlalawigan noong 1985, bilang tauhan sa noo'y tinatawag na Galeria, 'di kagya't ay lumipat sa HR dahil sa nakagiliwan ng kaniyang boss dahil nga sa angking sipag kung kaya't isinama siya nito at kalauna'y nalipat na sa Sangguniang Panlalawigan kung saan ay matagal siyang naglingkuran. Mula sa bayan ng Hagonoy, humigit kumulang 33 taon sa serbisyo publiko bilang Local Legislative Staff Employee II sa Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan at napagkalooban ng Loyalty in Service for 30 years.

Ang iyong ambag sa ating Tanggapan ay hindi matatawaran sapagkat naglingkod ka ng may tunay na dedikasyon at pagpapahalaga sa iyong tungkulin. Maraming salamat, payapa ka na sa piling ng ating Lumikha. Mananatili ka sa puso ng mga taong iyong nakaigting, na-'touch' at nakasama sa paglilingkod.


- DGJimenez